Part 2: Republic Act 9679 - Home Development Mutual Fund Law of 2009 for OFWs
The iSavta Team | 13.11.2019
Here’s the Part 2 of our article about PAG-IBIG Fund. To continue with the FAQs, we again compiled all the questions and answers in TAGALOG.
10. Ano ang kapakinabangan ng isang miyembro ng Pag-IBIG?
A. Kapakinabangan ng Ipon
-
• Walang buwis na ipapataw sa ipon ng miyembro
-
• Kikita ng karampantang dibidendo na taunang idinadagdag sa ipon ng miyembro
-
• Nanatili ang ipon sa pangalan ng miyembro kahit lumipat siya ng kompanya, mawalan ng trabaho, o maging self-employed
-
• Garantisado ng gobyerno ang ipon, na mababayaran at maisasauli ang mga naihulog na kontribusyon ng miyembro anuman ang mangyari sa Pag-IBIG.
Buwanang Hulog |
Kabuuang impok pagkatapos ng 20 taon kung ang itinakdang dividend rate Pag-IBIG Fund ay 5% |
P 100 |
P 31,419.33 |
P 300 |
P 94,259.79 |
P 400 |
P 125,679.72 |
P 1,000 |
P 314,199.29 |
P 1,200 |
P 377,039.15 |
B. Short-Term Loans (Multi Purpose at Calamity Loans)
Pwedeng umutang para sa mga biglaang pangangailangan bilang pambayad ng tuition, minor home repair, kapital para sa negosyo at iba pa.
Ang sumusunod ay halimbawa kung magkano ang maaring hiramin sa ilalim ng Multi-Purpose Loan (MPL) Program.
Buwanang Impok/Kontribusyon |
Bilang ng Buwanang Impok |
Maaaring Mahiram sa Multi-Purpose Loan* |
P100 hanggang P300 |
24 hanggang 60 na buwan 61 hanggang 120 na buwan |
P1,440 hanggang P10,800 P4,270 hanggang P25,200 |
P400 hanggang P600 |
24 hanggang 60 na buwan 61 hanggang 120 na buwan |
P5,760 hanggang P21,600 P17,080 hanggang P50,400 |
P700 hanggang P900 |
24 hanggang 60 na buwan 61 hanggang 120 na buwan |
P10,080 hanggang P32,400 P29,890 hanggang P75,600 |
P1,000 hanggang P1,200 |
24 hanggang 60 na buwan 61 hanggang 120 na buwan |
P14,400 hanggang P43,200 P42,700 hanggang P100,800 |
* Ang computation na ito ay base sa employee at employer contributions lamang, at hindi kasama ang taunang dibedendong kikitain ng iyong impok
C. Pondo para sa Pabahay (Housing Loan)
Maaaring gamitin ang housing loan para sa alinman sa mga sumusunod:
-
• pagbili ng lupa;
-
• pagbili ng bahay;
-
• pagpapatayo o pagpapatapos ng bahay;
-
• pagpapaganda o pagkukumpuni ng bahay;
-
• pag refinance ng pagkaka-utang mula sa isang bangko na katanggap-tanggap sa Pag-IBIG Fund;
-
• kumbinasyon ng mga nasabi.
Loan Package |
Interest Rate |
Buwanang Hulog* |
P400,000 |
6% |
P2,398.20 |
P750,000 |
7% |
P4,989.77 |
P1 Million |
8.5% |
P7,689.13 |
P1.25 Million |
9.5% |
P10,510.68 |
P2 Million |
10.5% |
P18,294.79 |
P3 Million |
11.5% |
P29,708.74 |
*Principal and interes lamang
Buwanang Impok/Kontribusyon |
Employer Counterpart |
Pinakamataas na maaaring mahiram |
P100 hanggang P300 |
P100 |
Hanggang P700,000 |
P400 hanggang P600 |
Higit sa P800,000 hanggang P1.3 milyon |
|
P700 hanggang P900 |
Higit sa P1.4 milyon hanggang P1.9 milyon |
|
P1,000 hanggang P1,200 |
Higit sa P2.0 milyon hanggang P2.5 milyon |
11. Magkano ang contribution rate?
Ang kontribusyon ng lahat ng miyembro, kasama ang OFWs, ay base sa sumusunod:
Buwanang kita |
Porsyento ng buwanang kita |
|
Kontribusyon ng Empleyado o miyembro |
Katumbas ng Kontribusyon ng Employer (kung meron) |
|
P1,500 and below |
One percent (1%) |
Two percent (2%) |
P1,500 |
Two percent (2%) |
Limang libong piso (P5,000) ang buwanang kita na ginagamit sa pagkuwenta ng kontribusyon. Ibig sabihin, parehong nasa P100 ang pinakamataas na hulog ng miyembro at ng kanyang employer. Gayunman, pwedeng dagdagan ng miyembro ang kanyang hinuhulog kada buwan para sa mas malaking ipon. Kung walang employer ang isang miyembro, maaari niyang akuin o bayaran maging ang employer counterpart.
Join The Remit Revolution Now! Send Through Rewire!
12. Kailangan bang magbigay din ng karampatang kontribusyon ang isang employer na banyaga?
Hindi kailangang magbigay ng kaukulang bahagi ng kontribusyon ang isang banyagang employer, maliban na lang kung gusto niya .
13. Pwede bang maghulog ang miyembro ng higit sa itinakdang kontribusyon?
Oo. Hinihikayat na maghulog ang miyembro ng higit sa kontribusyong itinakda sa ilalim ng batas. Mas makakabuti sa miyembro ang mag-impok ng mas malaki dahil mas malaki rin ang makukuha niya pagkaraan ng 20 taon o hanggang matapos ang kanyang membership, kasama ang dibidendo na tax- free at garantisado pa ng gobyerno.
14. Saan maaaring maghulog ng kontribusyon?
Maaaring magbayad sa mga kinatawan ng Pag-IBIG na naka base sa mga Embahada o Konsulado ng Pilipinas. Pwede ring magbayad sa alinmang accredited banks o remittance partners. Bumisita lamang sa website ng Pag-IBIG para sa kumpletong listahan ng mga accredited collecting banks and remittance partners.
15. Kung nakapagsimula nang maghulog ng kontribusyon ang isang miyembro bago siya umalis ng Pilipinas, maaari ba niyang ipagpatuloy ang paghuhulog sa ibang bansa?
Oo, kung ang miyembro ay mayroon nang Pag-IBIG MID o membership ID number, ito ang kanyang gagamitin sa paghuhulog. Kung wala naman, dapat magparehistro sa Pag-IBIG para mabigyan ng Registration Tracking No. (RTN) o MID number, alinman ang pwede.
16. Kailangan pa ba ang Pag-IBIG ID para magpa-register o maghulog? Papaano kung walang ID ang magpaparehistro?
Sa kasalukuyan, hindi pa nakakapag-issue ng ID ang Pag-IBIG. Pansamantala, bibigyan muna ang miyembro ng RTN matapos magparehistro. Ito na ang gagamitin niyang number tuwing siya ay maghuhulog ng kontribusyon o mag-aaply ng benepisyo. Pagkatapos nito ay maaaring mabigyan ng MID number ang miyembro na siya niyang gagamitin sa paghuhulog.
17. Kailan maaaring kunin ang kabuuang impok ng isang myembro na nakarehistro sa ilalim ng Pag-IBIG I?
Maaaring kunin ng miyembro ang kanyang kabuuang impok o total accumulated value (TAV) pagkatapos ng 20 taon at pagkatapos niyang maghulog ng 240 na buwanang kontribusyon. Pwede ring ibalik ang kanyang TAV bago sumapit ang 20 taon sa alinman sa sumusunod na kadahilanan:
-
• 15-year optional withdrawal (kailangang ang miyembro ay may 180 buwanang hulog na walang patlang at siya ay walang utang. Kailangang ipagpatuloy ang pagiging miyembro matapos kunin ang impok.)
-
• pag abot sa edad na 60;
-
• mandatory retirement sa edad 65
-
• total disability/insanity;
-
• pagkaalis sa trabaho dahil sa sakit o karamdaman;
-
• pag-alis ng permanente sa Pilipinas; at
-
• pagkamatay.
18. Ano ang makukuha ng miyembro pag natapos na ang kanyang membership?
Makukuha niya ang kanyang kabuuang impok na binubuo ng kanyang buwanang hulog, ang katumbas na kontribusyon ng kanyang employer (kung meron), at dibidendong kinita ng impok.
19. Kung mamatay ang miyembro, ano ang mangyayari sa impok niya?
Tatanggapin ng kanyang mga tagapagmana ang lahat ng kanyang impok pero babawasin ang kanyang mga obligasyon sa Pag-IBIG. Tatanggap din ang kanyang tagapagmana ng karagdagang death benefit.
20. Bakit hinabaan ang panahon ng pagiging myembro ng OFWs?
Sa ilalim ng universal coverage, pareho na ang mga patakaran sa pagiging miyembro sa Pag-IBIG, maging empleyadong lokal o OFW man. Samakatuwid, 20 taon na ang membership term ng lahat ng OFWs. Hindi tulad ng dati na makakapili sila sa 5, 10 o 15 taon ng membership term bilang boluntaryong miyembro.
21. Ano ang Modified Pag-IBIG II Program?
Ang MP2 program ay isang boluntaryong programa na nagbibigay ng mas mataas na dibidendo sa loob ng mas maikling panahon.
Sa ilalim ng programa, maghuhulog ang isang myembro ng hindi bababa sa P500 kada buwan sa loob ng limang taon. Mas mataas ang dibidendong ibibigay sa ilalim ng nasabing programa kumpara sa dibidendo sa regular membership program o Pag-IBIG I.
Buwanang Hulog |
Kabuuang impok pagkaraan ng 5 taon* |
Kabuuang impok pagkaraan ng 10 taon* |
P500.00 |
P34,921.79 |
P81,655.02 |
P1,000.00 |
P69,843.58 |
P163,310.05 |
P1,500.00 |
P104,765.37 |
P244,965.07 |
P2,000.00 |
P139,687.16 |
P326,620.10 |
P5,000.00 |
P349,217.90 |
P816,550.25 |
* Kung ang itinakdang dividend rating Pag-IBIG ay 6%
Read more about Money & Investments
Money & Investments
Send money to the Philippines/India/Thailand/Sri Lanka and more through Rewire!
Read MoreMoney & Investments
Planning for the Future: Retirement Savings Options for Migrant Caregivers
Read MoreMoney & Investments