iSavta Blog / general info / Regular Savings Account Vs. Time Deposits

Regular Savings Account Vs. Time Deposits

Regular Savings Account Vs. Time Deposits

Ang pag iipon ay isa lamang sa napakarami nating hinahangad nung tayo ay ng umpisang mag apply na mangibang bansa. Ako nuon pinangarap ko makabili ng mga branded na gamit, ipad, laptop at ewan ko pa mga nilista ko na ngayon e pinagtatawanan ko na lang kasi “Be Practical” na daw ngayon at mgwagwag na lang. Trueness naman, mga kapatid! Sa hirap ho ng buhay ngayun na lahat ng presyo ng mga basic needs natin ay pataas ng pataas, nakakalula po ang mga presyo, buti na lang ang paborito kong fishball hangang ngaun e sinkwenta sentimos pa rin! Kaya ho marami sa atin ang nagpupumilit na wag na lang umuwi at titiisin ang homesickness, dinadaan na lang sa tawag at chat sa pamilya para makatipid. Kaya po tayo ay naghahanap ng paraan para mapalago pa po ang ating pinaghirapan sa ibang bansa at hindi uuwi na puno ng pagsisisi.

Isa pong napakadaling paraan para tayo ay makapag-ipon ay sa pamamagitan ng ating pagdeposito sa ating Savings account sa alinmang bankong gusto mo. Ito ay napakadali ngunit mababa ang interest compara sa ibang producto ng mga banko.Ang pinaka-importanteng benepisyo po ng Regular Savings Account ay ang accesibility nito. Madali po kasi ang withdrawal ng cash walang maraming alingasngas basta po open ang banko at mas madali pa po pag meron po kayung ATM kahit anung oras saan ka man basta me ATM machine. Ngunit kung dito mo itatambak sa iyong savings account ang iyuong mga ipon e sayang ho ang pagkakataon na ang iyong pera ay lumago dahil nga po mababa ang interest at napakalaki po ng pagkakataon na madaling maubos. Lalo na po pag marami kang kamag-anak na mahilig sa 'bilmoko'. Parang tubig ho ang pera sa atin na pag natapon e wala ng silbi.

Isa pong paraan para lumago ang ating ipon ay sa pamamagitan ng Time Deposit sa anumang gusto mong banko. Ako po ay nasorpresa kasi sa aking pagtatanong sa ilan nating mga kababayan dito sa Israel e nalaman ko na hindi po nila alam kung ano po ang Time Deposit! Ang Time Deposit ay isa pong garantisadong paraan at napakadaling gawin na mapalago ang pera sa bangko na mas mataas ang interest kumpara sa Savings Acount. Ito ang pinakasafe kumpara sa ibang investment schemes. Ito po ay pera na idineposito sa bangko na may Certificate of Deposit at ma withdraw lamang pag natapos po ang “time period”. Ang time period po ay pwedeng isang bwan o ilang bwan or ilang taon. Ang kainaman po nito e alam mo agad kung magkano ang makukuha mo pag natapos na ang time period at may insurance po hangang php500,000 ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) kaso pag hindi po natapos ang time period at iwithdraw nyo ang pera ay meron pong penalty fee. Mas mainam po na bago po tayo mg Time deposit ng pera ay siguraduhin natin na meron po tayong extra para sa araw araw na gastusin at pang emergency at yun ang nakadeposit sa regular Savings Account po natin at ng hindi tayo ma penalty pag mapilitang magwithdraw tayo sa Time Deposit. Imbes na kumita, nalugi ka pa.

Bago po tayo mag Time Deposit, maghanap po tayo ng banko na mataas ang interest rate sa Time Deposit at hindi po sila parepareho. Ang pinaka mainam at pinaka safe ay ang mga commercial banks tulad ng BPI, BDO, Allied Bank at marami pang iba sa kadahilang hindi sila basta basta malulugi. Alamin kung magkano ang iniaalok ng bawat banko para ma maximize ang kita po ng perang pinaghirapan mo ng todo-todo. Me nabasa po ako na ng Time Deposit ng milyong pera nya at yun na ang pinagkukunan nya ng pangkabuhayan nya mula sa interest lamang na buwanan nyang natatangap.

Example po ng komputasyon ng Time Deposit:

Interest = Principal x Rate x Time.
Principal- ang perang idineposito
Rate- ang porsyento
Time- kung gaano katagal ang panahon ng iyong pera sa banko.
500,000.00 x 3.5% = Php 17,500.00 interest sa isang taon
* 17,500.00 x 30/360 = Php 1,458.33 interest sa 30 araw

Ito po ay isa lamang example at lahat ng nabangit na mga banko ay wala po akong koneksyon. Maliit man tingnan ang interest kumpara sa ipapautang sa ibang tao o sa ibang investment scheme ngunit ang Time Deposit po ay siguradong babalik ang puhunan na may interest. At higit sa lahat, magtanong po sa banko ng mga bagay na hindi naiintihan at wag lang po oo ng oo ngunit wala ka po naintindihan. Isipin po natin ang gasgas ng linya:“Pag may isinuksok, may madudukot!” para huwag po tayo mandukot sa bulsa ng ibang may bulsa, baka barya lang ang laman! Kita kita po ulit sa susunod...

Signup and find caregivers now!

Share

Read more about general info

How to create the best caregiver profile on the web

general info

How to create the best caregiver profile on the web

Read More
We Guarantee Your Peace of Mind

general info

We Guarantee Your Peace of Mind

Read More
Merry Christmas!

general info

Merry Christmas!

Read More
Yom Kippur: The Sabbath of Sabbaths

general info

Yom Kippur: The Sabbath of Sabbaths

Read More

Get our newsletter

Stay in touch! Get the latest posts and professional updates